Pasa-bilis
Friday, 30 October 2009
-
Para kay D.
Parekoy, katulad nga ng napag-usapan natin ilang beses na, masyado ka kasi naging mabait. Kaya nagkaganoon. Dapat kasi, matagal mo nang binigyan ng ultimatum ang tao. Tingnan mo ngayon, kung anu-anong shit na ang ginagawa ngayong nakatalikod ka na.
Kung ako sa iyo, ititigil ko na ang pagpapaka-emo. Lilibangin ko ang sarili ko. Pipili ako sa tatlo: 1) 'yung trip to EK, 2) 'yung trip to Baguio, o 3) 'yung trip to the beach. "Beach", pare, hindi "bitch". Pero kung trip mo 'yung "bitch", huwag mo akong kalimutan. Marami akong alam diyan sa tabi-tabi. Basta libre mo ako. Oks?
Pero bago ang lahat, sabay-sabay tayong huminga ng malalim, ihanda ang mga kamay, at sabihin:
PAKYU KA RIN.(Ang sarap, 'di ba?)
Monday, 26 October 2009
-
At lumipas ang maraming taon
Paraphrase ng pag-uusap namin ni D. kanina:
Halimbawa, mehn, nakipaghiwalay ka sa GF mo. Sasabihin niya, mahal ka pa rin niya. Sabay makikita mo ang mga status niya. Kesyo tapos na raw, wala na talagang damdamin para sa iyo. Tapos makikita mo yung mga kaibigan niya na tuwang-tuwang-tuwa para sa kanya. Kulang na lang, may plakadong palakpakan. Tapos, alam mo 'yun? Parang isa ka lang sa mga pinakawalan niya.
Ang tanong: 1) Pupunta ka ba sa EK at sisigaw ng "Yey!" habang nakasakay ka sa rollercoaster; 2) Do you spend a weekend in Baguio and try to hook up with cute Baguio girls with rosy cheeks; or 3) Magbibeach ka sa Puerto Galera for one week?
Wala pa ring pinipili ang mokong. Kung ako sa kanya, kung PhP 5000 ang budget niya, ipang-iinom na lang namin. Sagot ko na ang buhangin.
It's been a pretty not-so-normal week. Yesterday was hot. I caught cold. From where, I don't know. I always seem to have the cold when I don't want it. Come to think of it, I ALWAYS have a stuffy nose. 1998 was when a doctor shoved some instrument up my nose and told me I had sinusitis and prescribed these pills that worked for a while, or at least after we got back from a trip to the beach in Iba, Zambales.
Somebody bring me to the beach, please. I need to at least taste saltwater before this crazy year ends. Galera would be fine. Yes, D., I'm calling you out. Forget the beer; bring me to the sea!
I'm still settling down to this new position I've had since September. I still don't have my company-issued laptop; I'm still using the same PC I've been using at my old position since, I don't know, last year? Two years ago? Things have been awfully hazy lately. Suddenly, longevity no longer matters. Listening to STP's "Lady Picture Show", I'm reminded of how this song played on the Alan's Grill PA system this time last year, the same time as I asked who sang "Soon". This friend of mine wants me to play "Soon" at her party on Friday, with herself on vocals. It's been a long time since I've played a six-string for an audience; hopefully these wrists and fingers have not rusted that badly. Already, some sort of stiffness has sneaked into them.
It's amazing, what one year of inactivity can do to you.
Balik sa pag-uusap namin ni D. 'Ika nga ni Dong Abay, "Matagal ko na ring gustong magka-... alam mo na." Siya ang nagsabi n'un, hindi ako. Sabi ko nga sa kanya, bakit mo kailangang magmadali?
Hindi ko rin naman siya masisisi. Kunsabagay, ilang beses na rin siyang nasaktan. Sabi nga ni Ate Luz kanina habang nag-aalmusal ako, Kung babae ang problema, babae rin ang solusyon. Sabay kanta ng pooootanginang kanta ng Dagtang Lason. You know, 'yung Mga tambay lang kaming sawa sa babae / Mga babaeng manloloko, pineperahan lang kami / Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin / Masarap magmahal ng bakla, o kay sarap damhin...
Mga Ate talaga, oo. Noong nakaraang Linggo, kinakantahan ako ng kung ano mang lumang kanta 'yun, 'yung tungkol sa isang lalaking masyadong nasanay na nandiyan lang ang katipan niya tuwing Sabado (ewan ko kung Sabado talaga ang nasa kanta, pero kutob ko'y inayon lang ni Ate Luz sa kalagayan ko). Kaya kanina, sinagot ko siya ng Pasumpa-sumpa ka pa, tangina ka. Napa-iling na lang si Tina na may ekspresyon na "Hu-WAAAAAAAAAAAAT?!" sa kanyang mukha. Kung puwede ko nga lang kantahin sa Lunes iyon, gagawin ko. Pero deyn na lang. Bawal ang maging bitter. Tutal, never naman sumumpa ang tao, kahit papaano. You gotta give the person credit for that. Huwag mangako, baka di lang matupad. Ganoon naman talaga, 'di ba?
Samantala, dala ng matinding lamig sa opisina, nagmistulang yelo na ang mga daliri ko. Di naman sa nagrereklamo ako. Nakalimutan ko lang magdala ng jacket. Nakakatamad magdala ng jacket kung wala namang ibang laman ang bag mo.
Ngayon ko lang na-realize na 17 years old lang si Travis Meeks noong inilabas ng Days of the New ang "Touch, Peel and Stand". At 11 years old siya unang pumasok sa rehab. Drop-D ang tuning ng kanta, katulad ng karamihan ng kantang sinulat niya.
Pasensya na, ha. Kahapon pa ako nakikinig sa kantang iyon. Sampung taon ko na kasing hindi naririnig.
Kupal ang commissioner ng NBA fantasy league namin ni Enzo. Nag-propose si Enzo ng trade: Stephen Curry ko para sa Emeka Okafor (INJ) niya. Ako naman, dahil si Chris Bosh at Brad Miller (na bababa ang playing time this season dahil kay Joakim Noah) lang ang sentro, pumayag sa trade. Nag-veto si commissioner, na itatago ko sa pangalang "cub". Malaki ang galit niya sa mga Atenista, kahit na taga-SBC siya. Ilang beses na rin siyang sinita sa Gameface.ph dahil kadalasan, mas Lasallista pa siya sa Lasallista. Nag-veto siya dahil one-sided daw masyado in favor of yours truly. E hindi ba naman siya isa't kalahating gago. Si Enzo ang nag-propose ng trade. Pakshiyet.
Oh well.
Susubukan kong i-trade si Baron Davis para kay Emeka Okafor. Kung hindi pumayag si "cub" sa trade na ito, putangina niya.
Unlike two nights ago, I was actually able to sleep well last night. I got home at 9:30 PM and woke up around 6:30 AM this morning. For some reason, I was able to push back every other thought to the back on my head. Or maybe it was the thirty-minute traffic jam which greeted me (and a thousand other commuters) at the Commonwealth-Fairview boundary. When I got home, all I thought about was What's for dinner? and What's the chords for that song again? I forgot what song it was that I was trying to figure out last night, but it all seems oh so trivial now. What matters is that I'm able to sleep again.
That should be all for now. Hopefully, there will be better stuff to tell you next time around.
Tuesday, 17 February 2009
-
Tula muna
Sa Binondo
Sabi ng karatula, Seiko: Modern Masters
of Time, at napatingin ako sa relong nabili
sa Divisoria, kalahating oras lang ang nakalipas.
Oo, hindi ito Seiko, pero ako ang Amo
Ng Panahon, at dito, may dalawang babaeng
pinag-aagawan ang gusgusing lalaking nakasuot
ng tsalekong pang-taglamig, at may tanod
na nanonood lang habang ngising-asong sumisilip
sa relo. Dito, kumakain ako ng siopao, at doon,
naglalakad ako. Siyempre, ang lahat ng ito'y
nangyayari nang wala ka, at hawak ko ang talaan
ng mga dapat sanang pupuntahan. Halimbawa,
may masarap na siomai dito, at heto naman
ang pinakamagaling magluto ng kikiam.
At dadalawin ko silang lahat. Titingin ako
sa relo, at dahil nabili ko ito sa halagang
sandaang piso, ay iisiping mali naman
ang panahon, at Ako Ang Amo Nito, at Ako
Ang Magbibigay-Kahulugan Dito. Ako
na naglalakad sa Binondo, kumakain ng siopao,
at akong naka-tsaleko, pinag-aagawan
ng dalawang babaeng dala ang iyong mukha,
at maglalakad hanggang simbahan ni San Lorenzo,
at magsisindi ng insenso nang ang panahon
ay bumaligtad at ika'y makita ko rito, sa tabi ko,
naglalakad sa Quiapo, patungong Binondo.
Friday, 19 December 2008
-
Share ko lang.
Nighthawks
After Edward Hopper's PaintingWolf WondratschekIt is night
and the city is deserted.
The lucky ones are at home,
or more likely
there are none left.In Hopper's painting, four people remain
the usual cast, so-to-speak:
the man behind the counter, two men and a woman.
Art lovers, you can stone me
but I know this situation pretty well.Two men and one woman
as if this were mere chance.
You admire the painting's composition
but what grabs me is the erotic pleasure
of complete emptiness.They don't say a word, and why should they?
Both of them smoking, but there is no smoke.
I bet she wrote him a letter.
whatever it said, he's no longer the man
who'd read her letters twice.The radio is broken.
The air conditioner hums.
I hear a police siren wail.
Two blocks away in a doorway, a junkie groans
and sticks a needle in his vein.
That's how the part you don't see looks.The other man is by himself
remembering a woman,
she wore a red dress, too.
That was ages ago.
He likes knowing women like this still exist
but he's no longer interested.What might have been
between them, back then?
I bet he wanted her.
I bet she said no.No wonder, art lovers,
that this man is turning his back on you.
Wednesday, 03 December 2008
-
...Yes, World, We've Got An EP
Happy-rock / sad bastard music exponents Brokensauce are coming out with their first EP, "I SMELL GALERA!", consisting of the following kick-ass tracks:
- Menor
- Tangkay
- Lucid Dreaming
- Philcoa
- Concrete
The launch party features performances by Gapos, Marfcreature, Satellites, Jen Italia and more!PhP 120 gets you in with a free copy of the CD and a drink. Kitakits y'all on Dec 19, 2008 at 9 Mile Bar, Kalayaan Ave., Quezon City!
Brokensauce is:
Rey Domingo - Guitars
Mic Narciso - Guitars/Vocals
Jonar Sabilano - Vocals/Bass
Enzo Tanos - Drums
Tuesday, 02 December 2008
-
*&%^*(%!@*($*(!@$*
It's 7 PM.
Pakiramdam ko, ang dami kong pagkukulang. Ni hindi ko magawang makinig kahit kanino.
Gusto kong umakyat sa tuktok ng gusaling ito, at tumalon.
***
Pasensiya na.
Nagkukulang talaga ako.
Hindi. Ako. Sapat.
-
First, a warning
Yes, this entry will be about her. Well, not all about her, but will talk about that person, maybe in passing. This entry has just started writing itself.
***
What were you doing one year ago?
December 2, 2007. I was sprawled on the couch, wheezing. I’d just come home from the company party, where I had a beer to many, had to get nebulized at the rented ambulance. Woke up at 4 AM, found myself out of breath, dragged my ass out of the house and into a tricycle, then into the FEU Hospital emergency room.
Later that night, I’d get myself admitted into the hospital, cringing at every needle piercing my skin.
***
I’m writing this on MS Word. I hate how Word turns the ***’s into a line of square blocks every time I press Enter. I hate pressing Ctrl-Z to undo the transformation.
***
Me, P., and my kid sister caught Twilight last Saturday. To my sister, it was The Best Movie Ever; to me and P., though, we’d seen better. Still, I had to gush about the movie when me and my sister got home, just to make people envious.
P. still has her work cut out for her, although she’s making a lot of progress along those lines. Things are not back to pre-Company days, but I doubt if I’ll ever want to go back there, considering that she says things were getting a bit unhealthy. I have to agree.
Still, P., that weekend was good for both of us, tears, entries and lack of sleep notwithstanding.
***
Sunday at the studio:
Having finished recording the tracks for the I Smell Galera EP (more on that on my next entry), Brokensauce decided to devote Sunday night to practicing and writing new stuff. Mic came with this song called “Sway”, which, he claims, is designed to get girls swooning and into a state of heat, or something to that effect. It ACTUALLY is a sweet song, with a 3/4 beat and gradually leading up to a climactic break, then a solo to end all solos.
Yours truly came with a bundle of scratch paper and a pen, and started writing lyrics for “Quirino Highway”, “Diliman Dub”, and “Anne Curtis”. The first tells of a Philcoa-moment-in-Novaliches, like I texted Mic barely over a month ago; the third is about escaping from a fantasy world into everyday life.
Hi, my name is Everyday, and I’m nobody’s escape
Everybody wants to go away and go running in the rain
So let’s go walking in the sun instead
However, it’s the second track that’s got me all hyped up. For once, I got to write something remotely close to erotica; for once, I finally got to write something not related to the Events Of The Past Four Months. The last two tracks are not in anyway related to The Events, although the third does mention it in passing, and so does not count as Sad Bastard Music.
Enzo also came in equipped with “Kuya”, which tells of being too old to be even considered a partner to someone one likes very much. Enzo decided to stop being the butt of jokes this time around, which is a good sign for the band and himself as a person.
In between songs, we went downstairs to shoot pictures for the EP launch poster. Mando hasn’t uploaded the pics yet, but I expect to get them before the week ends. I’m thinking about commandeering the office laser printer for CD jackets, but I’ll be hush-hush about that.
More on the EP later.
***
Demmet. I had to press Ctrl-Z again. Demmet.
I keep on wondering, What would life be if we had an option to press Ctrl-Z on every mistake we made? P. has an answer to that: Easy is boring.
Boring, it is. Painful, it is. Then again, life, it is.
***
Alea iacta est. The die is cast.
Hindi sa nagtatampo ako, o nag-o-overreading ako, pero ganoon talaga, e.
What do you do when your signals get crossed? Hahayaan mo na lang bang tuluyang mawala, kahit nakita mong kumakapit pa?
Tuesday, 18 November 2008
-
Heto, tula muna
Pogi RockStart out with a starry,vacuous night, then follow it upwith swimming underneath the waves.We in this trade make it soundso damned easy: lagi na langumuulan, always there is this rain,pounding on the roof, jeepneysounds evoking sitting understars, again. Of course, it allboils down to She's already taken,heartbreak, a broken sonnet,love unrequited, Gemini na hindimagbibibitiw bigla, sounds of jeepneystraversing Ayala, walking between bars.Everything we sing about cannotbe squeezed dry of memories. After all,we all fall in love sometimes, sige lang,huwag mong pipigilan, all the commonstuff we know, and iniiyak ang lahat sa akin.She's already taken. Repeat: She's alreadytaken, and nobody will take me as I am.
Thursday, 30 October 2008
-
Tik-tak-tik ng isang tomador
Saan ba ako magsisimula?
Ah, dito.
***
Natuloy kami ni Aaron sa Shotlist noong isang araw. Sa wakas, nalaman ko na rin ang pangalan ng serbesang-nakakasira-ng-buhay: Oettinger. Suwabe, manamis-namis (may aftertaste na mais) -- at 8.9% ang alcohol content.
Kaya siguro sumakit ang likod ko kinabukasan. Walang hangover, pero para naman akong tinatapakan ng isang pulutong ng elepante... na may kargang Armand James Simbulan. Tatlo pa sila.
Makabili nga ng isang kahon. Baka iba naman ang epekto next time.
***
Alam mo naman siguro kung saan ako papunta rito. Sabi nga ni Mic, T*t* ka, Jonar, ang emo mo. Pero, ewan ko -- hindi naman ako nagsusuot ng itim, maliban na lang kung nakakurbata ako, at hindi ako nagpapatato ng tala o luha sa mukha. Alam mo na rin siguro kung ano ang gagawin ko rito: Oo, magtatanong ako, at puwede mong piliin kung sasagutin mo, o hindi na. Malamang, alam mo na ring nagugutom ako ngayon, at kapag nakakadama ng gutom/takot/pagkabagot ang isang tao, hindi mo siya mapipigilan sa pag-iisip ng kung ano.
***
Nakalagay sa entry mo: Huling nakaaway -- Jonar.
Aaminin ko, nagkamali ako sa pagtatanong. Dapat hindi ko tinanong sa mismong sandaling iyon. Alam kong napapagod ka na, ubos na ang lakas mo sa trabaho, at heto, hindi man lang ako nakatulong. Nakita ko ang pagod na iyon sa mga daliri mong nagdurugo, sa mga bubog ng basong basag, sa mga reta-retaso ng mga puso natin.
Retaso. Nakasulat nga pala ako ng kanta tungkol sa retaso. Or rather, tungkol sa Quirino Highway, kung saan sumakay ako noong Sabado patungong Cubao, natrapik, at nakakita ng mamang nagbebenta ng mga trapo sa mga tsuper. Sa Quirino ko rin naalala ang mga sinabi mo, at ang mga hindi mo nasabi. Sa Quirino ako naging emo. Sinabi ko sa sarili ko, Heto na nga, Jonar, tapos na nga ang lahat, at nagpigil ako, at nabigo sa pagpipigil.
Pagliko namin sa Mindanao, bumuhos/umagos/tumulo/dumanak ang luha. Hindi naman ako humagulgol, katulad ng mga nakita mo sa akin dati, pero ang hirap kasi nito; hindi ako masanay bumiyahe nang hindi nagpapaalam sa iyo, at may ngiti, at may yakap, at may halik.
***
Sabi mo rin kanina, mahalaga ang huling taong nakahawakan mo ng kamay.
Ano nga ba ang "halaga", kung tutuusin? Sabi mo rin minsan, maybe you forgot about all the things that you miss. Sige na nga, si Kid Rock 'yun, hindi ikaw. Pero ikaw pa rin. Kung kanino mo sinasabi iyon noon, hindi na ako magtatanong.
Noong gabi ng Sabado, nagtext ka. Hindi ka naman nagmakaawa, pero humingi ka ng paumanhin. Ng pasensya. At siguro, nagpaalam ka na nga rin.
Hindi ko alam, P.; ultimong ako, hindi rin makahinga sa dalawang oras ng pag-uusap na iyon. Oo't pinakawalan mo na nga ang matagal mo nang dapat pinakawalan. Nakita ko kahapon. At malamang, dapat ko ring makita ngayon at bukas at magpakailanman. Siguro, may tagabulag sa akin, mayroon akong suot na piring, pero ilang beses ko ring hinuhubad, at masasabi ko ito sa iyo: nasanay na rin ako sa gabi. Nasanay na rin ako sa mga bagay na nakikita ko. Nasanay na rin ako hanggang umabot na ito sa puntong hindi na ako nakakadama ng ginaw tuwing may kuwit sa halip ng tuldok, tuwing hindi binubuo ang mga pangungusap, tuwing hindi mahigpit ang pagkakahawak sa kamay.
Pero, sige, mahalaga ang huling taong nakahawakan mo ng kamay.
Maniniwala ako dahil ito ang sinasabi mo.
Hindi na ako magtatanong.
***
Mukha namang walang nagpaalam; laging may narito. Nilagay mo pa ang pangalan ko sa talaan ng pinakamalalapit na kaibigan mo. Natutuwa ako, dahil nakasama na rin ako doon, kahit papaano, sa wakas. Mas madalas kong makita 'yung isa, oo, pero natutuwa pa rin ako, dahil kasama pa rin ako, at mahalaga nga ako sa iyo. Maniniwala na nga ako, hindi ba? Hindi naman ako lumayo; nandito lang naman ako. Pero, katulad nga ng iceberg na nabanggit ko sa isa pang entry, nagkakalayo tayo sa isa't isa. Hindi naman ito kasalanan ng kung sino sa atin, kundi ng dagat, at ng pag-agos nito.
Ganoon talaga, e. Lalayo at lalayo dahil ang dagat na mismo ang nagsasabi. Hindi naman akong taong marunong lumangoy; isa akong iceberg, tuod at walang magawa kundi lumayo, magpaanod sa mga alon, magpadala sa mga maiinit na lugar at tuluyang matunaw at maging bahagi ng dagat na aagos patungo sa iyo.
Siguro, doon tayo muling magtatagpo. Pero, baka hindi mo na ako kilala pagdating ng panahon. Tubig na ako; yelo ka. Hindi tayo talo.
***
Sinulat ko ang nakaraang section sa ulo ko, Sabado nang gabi, at kagabi, sa MRT pauwi, at dito, sa opisina. Kaya mahal na mahal ko ang MRT. Nakakapag-isip ako nang hindi nakakarinig ng mga busina. Sige na nga, minsan nakakapag-isip ako nang mas mabuti kung may kasamang ingay. Pero sa pagkakataong ito, mas gusto kong tanging ugong lang ng MRT ang naririnig ko.
Pansinin mo: isa akong taong marunong lumangoy. Hindi ako tuod at malamig at basta-basta nagpapadala sa agos. Kaya kong hindi lumayo. Kilala mo ako, P. Hindi ako sumusuko nang basta-basta. Nakayanan ko noong Sabado; itong mga nalalabing araw ng linggo pa kaya? Yakang-yaka.
Ikaw, marunong kang lumangoy, di ba? Nakita ko sa Quezon yun. Matagal ka na ngang hindi nakakalangoy sa swimming pool, pero marunong ka naman, di ba?
Lumangoy ka naman, utang na loob.
***
Sabi mo, Matagal ko nang dapat pinakawalan.
Sabi ko, Parang hawak mo pa rin.
Pero, sige, katulad nga ng sinasabi ko kanina pa, hindi na ako magtatanong.
Kibit-balikat na lang ang makikita mo sa akin.
Peace of mind, baby, peace of mind.
Saturday, 25 October 2008
-
Ulat mula San Pedro Cutud
Kanina pa ako nakatayo rito. Nanonood sa mga taong nilalatigo ang sarili. May mga kasama silang nagsasaboy ng Green Cross Alcohol sa mga sugat na natatamo. Walang imik, walang pagsisisi.
Pag-ibig, sabi nila, ang puno't dulo ng lahat.
***
Noong nakaraang taon ko yata sinulat ang nasa itaas. Hindi ko nailagay sa blog dahil nakasulat sa isang punit-punit na kuwaderno, na natabunan ng mattress at alikabok.
Hindi na rin ako nakapagsulat masyado pagkatapos ng mga pangyayari. Napapansin na ng mga kaibigan kong wala ako ni isang tula sa blog; o kung may nakasulat man, laging malungkot.
Hindi naman ako malungkot ngayon. Naguguluhan lang sa mga nakikita.
***
Kanina, bago ko samahan si Tina sa ospital, nagpraktis ako ng mga tutugtugin sa Biyernes. May boses pa naman ako; hindi pa naman nawawala ang kakaunting kaya kong tugtugin sa gitara.
Namimiss ko tuloy ang classical guitar ko, kahit na hawak ko lang iyon kaninang umaga. Ang laking pagpapanibago ang naranasan ko noong lumipat ako sa pagtugtog ng bass. Mahirap kumanta; maaaring maglaro pero hindi maaaring baguhin ang kumpas.
***
Malamang nagtataka kayo kung bakit ako online ngayon.
Wala lang. Mainit sa bahay.
***
Totoo bang wala na? Totoo bang ito na ang wakas? Totoo bang hanggang doon at doon lamang ang mga bagay?
O baka ibang "wala" ang tinutukoy, o baka ibang tao ang kinauukulan.
***
Bagong simula, sana. Sabi ng kausap ko, 95% nang siguradong tuloy-tuloy na.
Hindi naman sa humihingi ako ng labis, pero sana, may mga ibang bagay na ganito ring katiyak.
Sana, tumigil na ang unos.
Sana, sumikat muli ang araw.
Sana, tumigil na ang paghahabol.
Sana, bumalik na ang mga bagay-bagay sa dati.
Sana, ganito rin ang gusto ng daigdig.
Wednesday, 22 October 2008
-
Laging may sagot
Napansin ko lang: matagal na pala akong hindi sumusulat sa Filipino, mapa-blog man o tula. Kaya ngayon, babalik ako sa sinimulan.
***
Nakapatay ang aircon dito sa opisina. Sabi ni Kathy, nagloloko raw, kaya tinawagan niya ang Facilities Management. Kaninang tanghali pa niya yata tinawag. Nag-training na ako sa kabilang gusali at nakabalik dito, wala pa rin.
Gusto ko tuloy umakyat papuntang Baguio. Hindi na rin ako makapaghintay sa Disyembre at ang biyahe namin papuntang Sagada, kahit na dalawang araw lang iyon at hindi pa sapat para makapunta doon at makauwi nang buhay.
***
Buhay.
Pansinin mo -- ibahin lang ang impit, nag-iiba na ang kahulugan. BU-hay; bu-HAY.
Maaari kang maging bu-HAY kahit na hindi nakakadama ng BU-hay.
Sa Ingles, feel alive, but empty.
***
Walang laman ang baso ko ngayon, dahil nga kagagaling ko lang sa training. Iniiwan ko kasi ang mga gamit ko dito sa ilalim ng mesa kapag lumalabas. Wallet at cellphone lang ang dinadala, at minsan, ballpen.
***
Wala na ring laman ang ballpen na dala ko. Naubusan ng tinta.
Tinanong ako ni Grand Old Man of Poetics noong isang araw, Aba, Jonar, hindi ka na rin yata nakakatula. Parang pumayat ka pa. Sabi ko, Shabu. Pero seryoso po, hindi rin ako nakakakain nang tama dahil lagi akong ginagabi sa trabaho.
Totoo naman talaga, e. Lagi akong ginagabi. Minsan nga lang sa trabaho. Nangangayayat na ako, sabi ni Kung Sino Man, at hinahayaan kong mawala ang sarili ko.
Hinayaan din kasi akong mawala...
***
Sa isang mundo ng mga sabi-ko-na-nga-ba, may nagiging pasaway, may nagugulat sa inaasahan, may hindi nagugulat sa di-inaasahan. At mas madalas -- may nasasagasaan.
***
Mag-menor ka naman
Mag-menor ka naman
Mag-menor ka naman
At ako'y nasasagasaan***
Maayos naman ang gig namin sa Mag:Net noong Lunes. Medyo nagkaproblema sa drums, pero naayos din agad.
Sa mga nagsipunta: Kay Lauren, kina Juna at Judet, kina Randel, Kiko at mga co-fellow, kay Bache na humabol sa set namin, salamat. Pati kay Joel at sa Happy Mondays.
Sa susunod, magdadala na ako ng tula, oras na magka-tinta ulit ang ballpen ko.
***
Hindi ka pa mamamatay. Habang kaya pang bumalik, kaya pa, at dapat pang mabuhay.
Laban kung laban. Peksman, sugurin ka man niya (nila) diyan, susunod ako. Ipapakita ko sa kanilang lahat kung paano ang tunay na magmahal.
Tuesday, 21 October 2008
-
Libangan ng mga bayani
At ito naman, galing kay Kathy, na wala yatang sariling blog. :D
HOLLAND: Hope Our Love Lasts And Never DiesITALY: I Trust And Love YouMONACO: May Our Noble Affair Continue OnwardsIRELAND: I'll Remain Enamoured, Loving, And Needing you, DarlingPARANAQUE: Please Always Remain Adorable, Nice, And Quiet Under EcstasyWAIKIKI: Welcome Aking Irog, Kita'y Inintay nang Kaytagal. Imissyou.INDIA: Inside, Now, Dahil Imbiyerna Ako!IMUS: I Miss U, SweetheartBALIWAG: Beauty And Love, I Will Always GiveQUIAPO: Quiet U, I Am Pissed Off!DUBAI: Don't U Believe Ako'y Iyo?IRAN: Ikaw Rin Ang NawalanPIER: Please Ignore Everything, Right?TIANGGE: Tama, Ikaw Ang Naging GungGong Ever!
- browse entries:
- older »
Connect
About Me
-
HR guy. Family man. Beer drinker. Smoker. Survivor. Ateneo Blue Eagles fan. Lover. Blogger.
Pulse
-
Rub-dub. Rub-dub. Yep, may pulso pa.










Chatboard (0)